Wandering Mind...

Random thoughts, experiences, observations, views, desires, ideas, humor, inspirations, emotions, insights...ahhh whatever! With a touch...of the WORD!!

Friday, July 22, 2005

Addict.......

Grabe!!! Ano ba itong nangyayari sa akin..parang lagi akong nanginginig pag di ako nakakapag......di ako makatiis na di ulit-ulitin, kasi feeling ko super na super, no holds barred pag merong......lahat kaya kong gawin at malakas ang loob kong sabihin kahit ano, kahit kanino pag may.....kahit nga sa trabaho tumitira ako pag break time ko, kasi nakaka-addict ang......kahit yung mga katrabaho ko nahawa na rin sa akin, lagi akong tinatanong kung mayroon ng ......para siguro makapag trip din sila sa......

Whew! kailan ba ito nagsimula? Buhat ng makakilala ako ng mga taong galing sa ibat-ibang lugar na palagi ring nagti-trip sa...... May nagsabi kasi sa akin, enjoy daw kasi dito sa......magandang past taym kaya imbes na may gagawin pa ako eh, di na ako makapag-concentrate sa sked ko, nahuhuli na ako lately sa deadline dahil dito sa.....minsan pati boss ko napapansin na parang lagi akong puyat dahil malalim ang mata sa kaka-......mahirap na talagang iwasan ang paggamit ng.......Kailangan makakuha ako ng antidote, baka madala pa ako sa kung saan dahil sa bisyong.......

Ha! Pambihira naman!! BLAG! BOOM! ZOOM! KABLAM!! HMMPP!! #$%#@!!**##!! Brown-out uli!... di tuloy ako makakapag....INTERNET!


Verse-Meal:

Colossians 3:1
...set your hearts on things above....

...Do all things in moderation...

8 Comments:

At 9:21 AM, July 22, 2005, Blogger Bluegreen said...

Sino ba di maa-addict? hehehe..pero trabaho muna syempre. Teka di pa pala ko kumakain...tsk tsk tsk...kain muna ko tol!

 
At 1:12 PM, July 22, 2005, Blogger Flex J! said...

Blue...
Wow tol...hebi!!! addict ka rin no????

LOL!
Flex J!

 
At 1:20 AM, July 25, 2005, Blogger Ka Uro said...

addict? sinong addict? huwag niyo akong isali diyan. hindi ako addict. hindi, hindi.

 
At 7:41 AM, July 25, 2005, Blogger Bluegreen said...

hehehe Ka Uro nasa denial stage pa. i guess lahat tayo addict hehehe

 
At 10:09 AM, July 29, 2005, Blogger Jinkee said...

tignan mo nga yung kamay mo, baka nangingig na habang tumitipak sa keyboard.

 
At 4:08 PM, July 29, 2005, Blogger Flex J! said...

oo nga yata Jinkee! Pasmado siguro...LOL!

 
At 12:11 PM, August 12, 2005, Anonymous Anonymous said...

TRUE KA DITO FRIEND!!!! ako nga, mayat-maya, naka log para dumalaw..even sa blogging addicted na rin ako..

at least i have lots of time..kasi wlang ginagawa..ha!!!ha!!ha!! except kapag watch na ako ng teleserye..!!!!

jazz meeh,

sunshine of your life

 
At 1:15 PM, August 12, 2005, Blogger Flex J! said...

Sunshine,...adik ka rin?????

 

Post a Comment

<< Home