Wandering Mind...

Random thoughts, experiences, observations, views, desires, ideas, humor, inspirations, emotions, insights...ahhh whatever! With a touch...of the WORD!!

Friday, October 07, 2005

Hello?? May time ka ba???...

One of my friend based in US (Leo M.) send me this reminder and I feel compelled to post it here. A heartwarming conviction that may open lot's of blessings....

Si Lord talaga alam kung kelan ako babatukan sa ulo. Here He is again trying to get my attention.

My Friend,

Hello!?...busy ka? Naku mukha nga... tagal na natin di nagkikita...tagal mo na ako di dinadalaw... alam mo miss na kita... o sino yang nagtext sa iyo?... buti pa sa kanya nakapagreply ka agad... napansin ko ang dami mong ginagawa talaga... ang dami mo ring things to do diyan sa planner mo ah!

Mapangarap ka talaga noh?... ang dami mong plano. Nakakatuwa naman na malaman yan. kasama ba ako sa plano mo? Ano? naku di ka agad makasagot... sige okay lang alam ko naman kung ano talaga sagot mo...*

Nakita kita nung Friday, aga mo umalis sa office. alam mo ba, ang akala ko pupuntahan mo ako. Ooppss! hindi pala! TGIF (THANK God its Friday) pala kayo ng mga friends mo. Umaga ka na nakauwi ah? Naghintay ako sa'yo, pagpasok mo sa kuwarto mo, di mo ako napansin... haaay! Kawawa ka naman pagod na pagod ka, siguradong kinabukasan masakit ang ulo mo, tanghali ka na gigising. Ang dami mong lakad, naghihintay ako na tayo naman ang maging magkasama kaya lang sa dami ng schedules mo sa trabaho at sa labas ng office parang malabo. O sige na, balik ka na sa work mo. I might be eating too much of your time maging dahilan pa ako para masira ang plano mo sa araw na ito...

Gusto ko lang sabihin sa'yo na nandito lang ako kapag kailangan mo ako...pag hindi ka na busy. totoo yon! walang biro! ayaw mong maniwala? Ganon kita kamahal kasi! ayaw mo pa ring maniwala? Haaay! remember this, kahit singit lang ako lagi sa buhay mo, kahit biglaan mo lang na natatawag ako dahil nagulat ka, nasaktan ka, nauntog ka o dahil part ang pangalan ko nung binabasa mo sa text, you will be in my heart always...

Trial after trial isipin mo kasama mo ako na lumalakad, hindi man sa buhangin, kasama mo pa rin ako... sa lahat ng plano mo , kahit hindi mo ako kasama perfecting it... para mas maging masaya ka... minsan tayo naman ang mag-usap ha? minsan ako naman ang dalawin mo...miss na talaga kita eh, usap tayo....

Sa akin hindi ka singit lang...


Nag-aabang,
HESUS

'Hope it made you pause for a while at nabigyan Siya ng oras...inaantay Niya tayong tumugon....

Verse-Meal

Jeremiah 31:3
The Lord appear to us in the past saying: I have loved you with an everlasting love; I have drawn you with loving-kindness .

8 Comments:

At 4:00 AM, October 08, 2005, Blogger atoy said...

He is also my Fren and Bro. kapag kasama mo Siya lahat ay makakaya.

 
At 1:42 PM, October 08, 2005, Blogger Flex J! said...

Tama ka Ka Atoy....Mountains will move....tol!!!

smiles..
--jun

 
At 5:35 PM, October 08, 2005, Anonymous Ann said...

Hi! It was forwarded in my email so many times but everytime i read it, andun pa rin yung guilty feelings, totoo kasi yung sinasabi. It's a wake-up call. Have a nice day!

 
At 7:53 AM, October 10, 2005, Blogger Flex J! said...

Hi Ann,
Thanks for dropping by.....may blog ka ba para link kita...

--jun--

 
At 11:28 AM, October 10, 2005, Blogger Major Tom said...

OO nga, sometimes nakakalimot tayo pag walang problema...I really believe in the power of prayers, and it makes me truly feel good every time I call upon Him.

 
At 12:30 PM, October 10, 2005, Blogger Flex J! said...

You're right...major Tom...a prayerless christian is a powerless one!!

Thanks for dropping...link kita ...

 
At 5:00 PM, October 10, 2005, Blogger TEACHER SOL said...

May mga mensahe din Sya na matindi na nga ang dating pero di pa natin napapansin...anong nangyayari sa mundo ngayon? Di pa tayo nakakaahon sa Asia Tsunami at Hurricane Katrina, eto na naman ang Asia Earthquake? May mensahe bang ipinararating ang mga ito?

 
At 7:59 AM, October 12, 2005, Blogger Flex J! said...

Well! All things will soon come to past and only what's done for Christ will last!

Kailangan lang sigurong very close tayo sa relationship natin sa Kanya...to understand these things.

smiles...
--jun--

 

Post a Comment

<< Home