Wandering Mind...

Random thoughts, experiences, observations, views, desires, ideas, humor, inspirations, emotions, insights...ahhh whatever! With a touch...of the WORD!!

Sunday, January 08, 2006

My Second First (i.e. My First...2nd edition)

'Just thought of continuing my very first post entitled "My First..." due to the existence of those first in my life that was not mentioned there when I made it. Here goes.....

My First Uttered Words...
According to my beloved Mom, yung unang salitang binigkas ko eh "DADA". Tapos kasunod siguro nun DEDE, tapos di muna nasundan ng bago kasi everytime na sasabihin ko yung DEDE, pinapasakan agad ako ng gatas sa bibig ni nanay, kaya siguro tumagal bago nasundan ng DIDI, Nung binigkas ko na yung "DIDI" yung tatay ko naman ang nag-aabot sa kin ng gatas siguro kasi bisaya s'ya eh....kaya natagalan na naman bago makarating sa DODO. Teka baka humaba pa, dito na lang muna. LOL!

My First Train Ride...
All of the kids in our neighborhood that day were very excited to the newly inagurated train station, and I am too!, especially when I heard of the free ride that they're giving. So much excited that I naughtily slipped out from our home to have that free ride on train. Sumama ako sa maraming batang gala na sumakay hanggang sa Tutuban. Pagdating doon, takbuhan sila kung saan-saan. I was left alone and lost in the station. Inabot ako ng tanghalian at gusto ko nang pulutin yung mga pagkain tira na naiwan sa mga bangko nung mga pasahero dahil sa gutom. Medyo natatakot na rin ako dahil di ko alam ang pauwi. Meanwhile...nagkakagulo na rin ang mga relatives ko sa paghahanap sa akin, umiiyak na mother ko. Buti na lang may nakapagsabi na sumakay daw ako sa tren. My father went to the direction of Hulo to try and find me, and my mom went to the opposite direction....Tutuban. Fortunately, I was found by my Mom when she arrived there. Seeing me under the table trying to pick up some biscuits to augment hunger, made her cry aloud but smiling at the same time. Di ko talaga maintindihan mga nanay oh! Imbes na pakainin ako eh umiyak pa.....hehehe

My First Job...
Magtatapos ako ng elementarya nun, nung magsimula si nanay magtinda sa palengke. And as the eldest among her siblings I was tasked to go there after my class to aid in selling vegies. Daming kumpetensya pala, dikit-dikit pero not once but many times angat kami sa bentahan, husay kasing pumili ng panindang maganda si inay sa Divisoria kaya dinudumog, Eh pag yung mga katabi namin eh medyo luma na ang tinda at maraming madyik na nilalagay para maging sariwa (kuno). Isinisigaw ko naman yung paninda ko......ALE! MAMA! SITAW, TALONG AT KALABASA, MADE IN JAPAN!! Ayun, eh di naubos agad, nakatawa pa yung bumili....

My First Sex
Oopps, meron na nga pala nito dun sa unang edition...tignan n'yo na lang! hehehe

My First Love
Ito yung nakaligtaan ko na hinahanap ni blogfriend Jinkee noon...,
Her nickname is Bong (di po s'ya lalaki ha), quite a masculine nick for a Ms. Senior high school beauty. Di ko s'ya maligawan nung high school kasi may gusto rin yung barkada ko sa kanya na nauna syang makilala at pinakilala pa ako, so to avoid conflict, I just kept my admiration to myself until I went to college. Pero di naka-first base yung barkada ko dahil mabagal yata eh, o di s'ya type. In a million of a chance. she also happened to enroll to where I enrolled. Gulat talaga ako sa pagkakataon....so nagkaligawan na at nabola, ehem!, napasagot ko pala s'ya second year yata ako nun. I was her first boyfriend. We went steady for awhile and our relationship was getting deeper everyday although we don't do dates yet bata pa raw kami, aral muna. Very conservative and awkward s'ya from what she heard and known about me when it comes to girls during my high school days, ewan ko ba kung bakit naikwento ko lahat sa kanya yun. Masyado akong naging honest siguro, kasi parang tinamaan talaga ako. But then, relationship ended suddenly!, for some reason that was not really clear to me. Basta wag ko na raw syang sunduin sa room nya at ihatid pauwi. Gusto raw nya na mapag-isa muna without the presence of a boyfriend. Man!! It struck me quite painfully. Pero di ko pinahalata ang sakit, inis at pagkalitong feelings ko na halo-halo sa mga unreasonable reasons nya. I just kissed and bid her goodbye. After few months and thru a common friend, gusto daw nya ako makausap and be together again. I didn't give time on it kasi feeling ko nilalaro ako nito ah. after a year nagkaboyfriend din sya at nagkabreak ulit and she again hinted to talk with me thru a friend, inaantay daw n'ya ako but I did not went through with it, siguro masyadong nasaktan pride ko and I feel insulted at ayaw ko ng maulit. Until I was able to forget her, I mean..,the feelings. Di ko na s'ya nakita after graduation. Kumusta na kaya s'ya? I wonder...(sabi nga ni Ka Uro)...(haba at korni noh?)

My First Wife...
'Nickname is Chi-Chie. I love her so much that's why she's my first and only wife at wala ng second.....promise! Pustahan pa tayo eh!

My Firstborn
After a month of marriage, sinorpresa ako ng wife and only ko, on the way daw s'ya and our doctor confirms it. Tatay na ako!! But during the first few months panay ang sakit ng tiyan ni Chie, kaya pabalik-balik kami sa doctor. I was shocked to hear that the findings was an ectopic pregnancy daw, where the baby is outside of her womb and will not survive accordingly. Maagasan daw s'ya. We went to another doctor for a second opinion but just the same. Sobrang lungkot namin and we refuse to believe it! Text ako sa mga kasama ko sa Church asking for a prayer on the situation. We really did not give up. We prayed earmestly for God to spare our firstborn. And then, we wait...After a week, the pain in her stomach gradually disappear, we were continue praying na wag s'yang maagasan. We finally went back to doctor after a couple of weeks for a check-up. The doctor displayed a face that wonders after series of examination done to my wife. And she came out with this words....."Your baby seems to know how to crawl back into her mothers womb" Gumapang yata ang baby mo!! It's a miracle!!! Muntik na akong maupos at mapasigaw. I praised God for that! My God is God of miracles! He never fails only if we believe!!
Now, my firstborn is already in grade five, she's got her mom's charm and beauty, also a consistent topnotcher in her level school wide. Glory to God!!!

Marami pang exciting, embarassing and uplifting first experience ang naiisip ko pero sa third edition na lang yata at mahaba na eh. Kayo ano mga first n'yo?


Have a blessed day!!!

Verse-Meal
Romans 8:28
And we know that in all things God works for the good of those who love Him, who have been called according to his purpose.

13 Comments:

At 4:37 PM, January 07, 2006, Blogger Abaniko said...

inisip ko tuloy kung a "dudu" naging parte ng early vocabulary mo. hehe.

 
At 4:50 PM, January 07, 2006, Blogger nixda said...

di bah kapag may first meron at merong susunod jan? pede bang makipagpustahan? :D ooopppsss...nagbabasa ba ng blog si sweetie mo? baka mapukpuk ako ng bakya dito. hehe

Happy Three Kings nga pala brader, soweee ngayon lang natapilok uli...

schönes wochenende na rin (happy weekend)!

 
At 6:34 PM, January 07, 2006, Blogger Kathy said...

dudu haha..i like the sound ^_^ kulit ng mga first ,first mo ah!kailangan mapuntahan ko muna yung iba mong archives haha..to be updated!gosh how can i write my own first,first on my blog?ill think of it ,thanx for giving me idea^_~
mabuti ok lang si one & only mo pag nabasa yan haha..pag ako siguro yun wala kang hapunan ng 1 gabi^_^ looking forward for the second part..bilisan mo lang ha!

 
At 7:34 PM, January 07, 2006, Anonymous Anonymous said...

Hi Flex...Nice knowing you more in this "First..." write-ups. What a memory you have...Sad that there's nobody to tell me what were my first uttered words...

 
At 1:29 PM, January 08, 2006, Blogger bing said...

ha ha ha flexj, di kaya tumaas ang bp ko sa katatawa? at isiningit pa ang first sex e meron na pala dun sa una ha ha patunay ba yun? ha ha

 
At 3:53 PM, January 08, 2006, Blogger Wendy said...

You know what... While reading your piece... naka-smile ako... Nice post!!!

 
At 1:54 PM, January 09, 2006, Blogger Flex J! said...

Abanico,
Di na yata umabot don eh....hehehe

Neng,
Wala na talaga neng....pustahan??? LOL!

Kath,
Di bale sa susunod yung 3rd edition...hehehe

Major,
Mayroon ngang isang word na kwento ni nanay na sensored kaya di ko na nabanggit dito...

Bing,
Nagkamali lang ako siguro ng type sa first sex...hehehehe

Wendy,
keep on smiling.....

 
At 3:01 PM, January 09, 2006, Anonymous Anonymous said...

Ka Flex J,

Okey to. Hindi kaya noong pinpapanganak kay ang tugtog ay "a DADa, a dede, a dodo, that's all I want to say to you" Duran duran yata ang kumanta.

At yong First Wife, catchy sya. Akala ko meron pa 2, 3,.... hahaha.

Have a great day. Kailan ba ang first great day mo?

 
At 5:32 AM, January 10, 2006, Blogger Ka Uro said...

ma-pride ka pala. yung chic na ang lumalapit, inisnab mo pa. kakatuwa kasi hawig din sa nangyari sa akin. yung first baby niyo, very uplifting ang story. something to realy be thankful for.

 
At 8:48 AM, January 10, 2006, Blogger Flex J! said...

Ka Rolly,
Duran duran? di ko yata naabutan yon....Jon bon jovi lang alam ko eh...Hehehehe

Ka Uro,

Para kasing nainsulto ako siguro sa naging gf kong yon.

Yes! hanggang ngayon nga very thankful ako...one of those great gifts in my life...

 
At 12:27 PM, January 10, 2006, Blogger Mmy-Lei said...

ang ganda naman ng first job mo... bata ka palang maabilidad na...

happy new year

 
At 12:59 PM, January 10, 2006, Blogger Flex J! said...

Mmy-lei,
Tindero po! kailangan eh.....

A blessed new year too!

 
At 7:11 AM, January 11, 2006, Blogger RAY said...

my first wife, muntik ko ng malunok dila ko kala ko me second ka, third , fourth... ka. ano ba religion mo sali na rin ako kung pwedeng mag=asawa ng marami.
buti ka at nasyota mo ang babaeng unang nagpatibok ng puso mo ng masidhi kami ni KU hanggang tingin na lamang. siya rin ba iyong first kiss?

 

Post a Comment

<< Home