Wandering Mind...

Random thoughts, experiences, observations, views, desires, ideas, humor, inspirations, emotions, insights...ahhh whatever! With a touch...of the WORD!!

Sunday, February 26, 2006

Ba't Ganon???

Minsan may pagkakataong basta na lang akong binabaha ng mga katanungan dala ng ibat-ibang sitwasyon na natutunghayan at naririnig araw-araw. Parang madali at kitang-kita na ang kasagutan ngunit di nito mapunan ng kumpletong kasiyahan at solusyon ang mga agam-agam na naglalaro at pilit na kumakatok sa aking naglalakbay na kaisipan. Marahil ito’y bunga na rin ng mga sarisaring reaksyon at emosyon na dulot ng mga pangyayaring di inaasahan na nakabibigla, nakakatawa, nakakainis, nakakalungkot at iba pa.
  • Kagaya nung isang nakilalang kaibigan sa isang pagtitipon.Nakita kong nakapag-aambag siya ng inspirasyon at kasiyahan sa mga tao ngunit isang araw bigla na lang s’yang isinama ng mga maykapangyarihan sa hanay mga taong sumunog daw ng isang tahanan. Bagama’t di sapat ang ebidensya laban sa kanya at matibay ang kangyang inihaing dahilan sa kanyang pagiging walang kinalaman sa mga pangyayari ay nakulong pa rin sya. Humigit kumulang labing pitong taon ang binuno n’ya sa piitan na ayon sa kanya ay di n’ya kailanman ginawa….Ba’t ganon?

  • Mayroon naming isang tao na nagmalasakit at tumulong sa paghadlang upang ang masamang gawain ay di manaig. Sa kanyang pagtugon, s’ya ay muntik ng mapatay, nasaktan at na-ospital pa, ngunit ang kanyang tinulungan ay biglang umalis na lang ng walang pasasalamat sa kabila ng lahat. May naghihintay daw sa kanya sa kabilang kanto. Pambihira!...Ba’t ganon?

  • Bayani s’ya at patuloy na nagpapakabayani. Nagtitiis at ibayong nagsisikap malayo sa tinubuang lupa. Umiiwas sa bisyo at pilit na nilalabanan ang mga halina ng tukso upang lubos na maialay ang kumpletong probisyon at tagumpay sa kangyang mga minamahal. Pero…..natambad sa kanyang pagbabalik ang kabiyak sa kandungan ng iba at mga naipundar na pag-aari ay wala na. Tama ba ang sukli?...Ba’t ganon?

  • Marami na ang nakikita at nararanasan kong paghihirap ng gaya kong maliit na tao sa lipunan. Puspos naman ng aksyon sa paghahanap ng solusyon ang ating pamahalaan upang maibsan ang mga ito. Mayron nga silang VAT ngayon na makakatulong daw ng malaki sa pag-angat natin. Kaya siguro angat na angat na ang presyo ng mga serbisyo’t bilihin ngayon. Pero sabi nung iba pambayad lang daw yun sa utang. Teka, asan na ba yung mga inutang noon? Di yata naramdaman ng marami ang progresong inaasahan doon. At bakit parang madaling yumaman yung iilang mga tao sa posisyon? Yung mga anak ko, maliliit pa lang may utang na? Ewan ko, siguro gutom lang ako….VAT Ganon?

  • May isang bata akong naulinigan…”Mommy pakitapon po ito sa basurahan, di ako pwedeng umalis sa pila eh”, sabi ng mommy “ itapon mo na lang dyan kahit saan!”, Di nga po pwede masama yon eh sabi ng titser ko, Sumagot ulit si mommy pasigaw na..."Sabi ng itapon mo na lang dyan kahit saan! Tigas talaga ng ulo mong bata ka!!" ( Hmmmm!??) Ba’t ganon?
Di ko po kailanman ninais na makapagdulot ng nagatibong kaisipan sa mga kapwa ko mamamayan na nagugulat at nagtatanong din, ako lamang po marahil ay pagod, gutom, lubhang sensitibo o inip at walang magawa sa panahong ito kaya puro “kabulastugan at magulong” katanungan ang napagtuunan ng aking kaisipan.

Pero....Buti na lang!...at…buti na lang….ay maaga pa, nang ako ay maimulat ng aking mga minamahal na may makapangyarihan at buhay na Diyos na babalanse ng lahat at magbibigay ng kumpletong kasagutan sa lahat ng mga hiwaga’t magulong katanungan sa itinakda Niyang panahon. Pero habang patuloy akong naglalakbay patungo sa itinakdang panahong iyon ay paminsan-minsang siguro akong magtatanong ulit sa sarili na….Ba’t ganon?

Kapayapaan po sa lahat!

Verse-Meal
Philippians 4: 7
And the peace of God, which passeth all understanding, shall keep your hearts and minds through Christ Jesus.

7 Comments:

At 10:43 AM, February 28, 2006, Blogger Bluegreen said...

Honga...bakit ganon? Di ko rin alam. At marami pang tanong na kasunod nyan hehehe. Sabi nga you have a lifetime to discover things. Lahat ng tanong may sagot...yon nga lang nasa tamang panahon din dumarating ang mga kasagutan.

 
At 2:57 PM, February 28, 2006, Blogger Kathy said...

Lalim nun ah kiwinoy ^_^ hehe...
FJ talagang ganon yata kase pag wala na tayong tanong wala na ring challenge ang buhay di ba?And we learned our lesson sa mga kasagutan na nakukuha natin.
Everyday is a lifetime challenge ika nga.

 
At 9:56 PM, February 28, 2006, Anonymous Anonymous said...

straight ng tagalog..heheh

laht nman ng tao di nauubusan ng ganyan tanong..'bakt ganon?', 'baket?', sabe nga ng titser ko nun 1st yr hs, laht daw ng bagay di masasagot, dahil sa bawat sagot, itatanong mo pa din, 'baket?', gets mo?! labo ko noh?! hehehe baket kaya?! =)

 
At 5:05 AM, March 01, 2006, Blogger Ka Uro said...

ba't ba makulit ka yata ngayon? kaya ganon, kasi ganon yon eh. ika nga nung isang bumper sticker "life is not fair; get used to it". yun naman isa sabi "shit happens". at yung isa naman "life is a bitch, the more we bitch about it, the bitchier it gets". i guess lahat ito nagsasabi indirectly na minsan may mga bagay na nangyayari na hindi natin kontrolado at hindi natin kayang baguhin. e bakit nga ba ganon? tingnan mo na, pati ako nahawa sa kakulitan mo. :)

 
At 8:04 AM, March 01, 2006, Blogger Flex J! said...

Hello Everyone!
Sensya na po at minsan ay sinisumpong din ako ng ba't ganon??

Thanks for dropping by.

smiles...

 
At 2:17 AM, March 02, 2006, Blogger lws said...

ganun nga yon talaga yun basta yon na yon.magandang araw at God bless

 
At 8:33 AM, March 05, 2006, Blogger bing said...

somewhere in the scriptures there is something that tells that there are things we cannot fathom and only God has the answers.

have a good day, flexj!

 

Post a Comment

<< Home