Wandering Mind...

Random thoughts, experiences, observations, views, desires, ideas, humor, inspirations, emotions, insights...ahhh whatever! With a touch...of the WORD!!

Saturday, February 13, 2010

Brother Eddie....Exposed! - Just letting you know...

Sino ba itong kandidato na natalo na nga last election eh kumakandidato pa? Halos nga nangulelat yata sya pero andyan na naman...bakettt??? sino sya? anong mayron sya at napakakulettt? Is this guy a wolf in a sheep clothing?? Baka mag-corrupt din yan?
2 Million votes lang....
He's the head of JIL ministry daw boasting of more than 5M members pero 2 million votes daw lang ang bumoto that implicates even his flocks did not vote for him..pero teka...HELLO!!!! Garci.. are you there....I'm sorry......tapos meron pang text sa bulacan na galing sa isang gentleman...basta hanggang 2 million lang si Bro. Eddie., kaya ayun..the rest is history. Ang husay ng mga dyos-dyosan duon...Kulelat daw si Bro. Eddie...just letting you know.

He's Sour Graping....
After this bruhaha on elections..nagra-rally na naman sya at di daw matanggap pagkatalo...sour graping ba....but those people close to him..eh di naman daw.., kasi if you know him well, He's just the guy that will not, in anyways, support and tolerate a Big LIE..kawawa naman ang masa kung gagawing normal na ang dayaan sa bawat eleksyon...kung natalo sya in a clean and honest election ayus lang yun...pero supporting a big lie is quite another story...Hello Garci ...naging opisyal ka na ngayon, sikat ka na talaga Garci. Truly, bro. Eddie can forgive and he has done that but fotgetting the lesson from what has transfired...Hmmmm teka, especially when millions of the filipino people are at stake???...ibang usapan yata yun..,just letting you know....

Some Pastors disagree with him....
Meron naman mga pastors that told us they love Bro. Eddie very much that's why they will not vote for him..dun nya lang sya sa mga flocks nya, his Highest calling...Galing noh?? seemingly a sound opinion...siguro na-miss nila that God can also make the man in priestly calling to be in a kingly appointment, kasi wala ng makitang qualified good guy to do a good governance...just like what happen to King David in the book of Zechariah. Di po ako pastor pero nalulungkot po lang ako dahil sinuportahan nila yung madame G na nag-I'm sorry na nga pero hanggang now eh namamayani pa rin ang korapsyon sa bayan ko...ano??? mag-a-I'm sorry ulit sya...why didn't they make a stand to support this man of integrity that won't support a lie...at narinig ko sa isang speech ng abugado, pagkatapos yata nun...may mga brand new na daw silang kotse..totoo kaya yun?...Hmmmm, sana naman hindi at joke lang yung speech na yun. ..just letting you know...

May pinag-aralan ba yan?.....
Pastor?? ano magagawa nyan sa gobyerno?, magpi-preach maghapon...di parang simbahan na rin ang malakanyang....teka, may nabasa ako, gradweyt daw sya ng economics at nagturo sa PUP ng finance, at economics. the longest member ng Board of Regent dun at ang honorarium daw ay di kinukuha dahil donation para sa mga scholars. Naging outstanding leader,scholar and best debater daw pala sya, may anim na doctoral degrees at numero unong kandidato ng PMAP nuong 2004, and those education were coupled with the Word of God, kasi nga daw education without Word of God can make a person a very wise...devil. Hhmmm may ibubuga pala to....just letting you know...

Eh ano kung edukado baka puro diploma lang wala namang tapang at paninindigan...
Nag-aral din pala sya ng abugasya...di nga lang nakatapos eh..kasi naman student activist yan, nakulong tuloy ng 2 beses nung martial law. Nilabanan pa yung mga opisyal ng munisipyo, judge, pulis atbp. na nagsabwatan para makamkam yung mga lupain ng maliliit na magsasaka...shocks!..naging political animal pala 'to at akalain mo naipakulong nya yung mga nagsabwatang yun estudyante pa lang sya....may rekord ha di lang salita. Dalawang beses pang binaril pero nakalusot, hinagisan pa nga ng granada, fragmented grenade daw galing sa mga nakaaway nya sa politics...nabuhay pa..milagro! nakarekord din yun,,sa peoples tonight at tempo pa yata..tapos may mga scientist yata at imbentor sa palace na nagluto ng kaso para sa kanya, isinampa na nga nung pinsan yata ng gentleman, may warrant of arrest na sya until now, nagtataka lang ako at ba't ayaw syang hulihin eh araw-araw naman andyan lang, sino kayang takot??? sya o yung kalaban nya...If God is with me, who can be against me.... just letting you know...

Is his integrity for real...baka naman pakitang tao lang pag natapalan ng salapi eh masahol pa sa politiko...
For the record daw...He has been visited by the so-called big names in politics too many times, one of them was a certain madame G from the palace, inalok daw syang maging cabinet member sa finance yata, mahusay talagang pumili si madame G, knowing his qualifications & brilliance on economics, tapos, pati position pa sa mga naglalakihang corporation inalok din. Bah! eh tinangihan, in the world's standard eh katangahan yan Bro...milyun-milyun ang pinakawalan mo dyan Brod..wala ka namang hacienda ah, wala ka ring subdivisions o highway, yung maliit mo ngang lupa eh dinonate mo pa sa JIL para maging school para sa gustong mag-aral ng mababang halaga sayang yata...teka. may kasama pa daw millions of pesos na donation sa JIL funds sabi ni Madame..pambihira,,ayaw pa..at gusto lang daw nya ang genuine reforms para sa mga pilipino...meron pa ngang nag-follow-up after that, General daw, pumunta sa office nya..halos lumuhod pa nga sa kanya na tanggapin nya na yung offer...shocks..inayawan! True to his words...the world is too poor to buy my convictions and principles...integrity ba kamo??? all of these offers were in documents na hawak pa nya raw ngayon..just letting you know...

Malasakit sa gawa at di sa salita....mero ba sya nyan?
Oo nga pala di nga natin alam, na may mga bahay na pinatayo yan...di para sa kanya ha, dun yun sa gawad kalinga para sa mga mahihirap...pati nga yung mga biktimang OFW sa hongkong pinatuyuan nya ng bahay na matutuluyan after getting donations from people who cares plus his..nanguna din nga sya sa laban para palayain yung mga nabiktima ng prostitusyon sa malaysia at kasama rin sya sa nakipaglaban para makuha yung 20 hectars ng lupa para sa PUP ngayon..akalain mo?! di naipa-media yun??? kung tutulong ka tumulong ka na lang...di naman kasi sya politiko, nagmamalasakit lang. Just letting you know....

Height of Stupidity ito.... Bro. Eddie.
It is the height of stupidity for him to run for presidency....oo nga naman..co'z he's living a peaceful, simple and well respected life, happy with his wife, children and grandchildren, tapos papasok na naman sa politics, sisiraan ka lang, babatuhin..kung pwede nga lang ipako sa krus gagawin sa yo yun, kasi di na uso ngayon ang klase ng integridad mo Brod, binabaril at napapatay sa tarmac yan, mamuhay ka na lang ng tahimik, made ka na eh...satisfied na life mo. Just preach...will you? Kasi nga daw, evils triumph if the good men do nothing...that's why Bangon Pilipinas was born composed of real men of integrity at kawawa naman daw yung mga kabataan ngayon kung ipapamana eh...natural lang ang dayaan sa eleksyon, natural lang yung padulas sa gobyerno, palakasan para ka mapasok sa position at di dahil sa merits, nasa systema na yun kaya ok lang! Di daw deserving ang mga filipinos dun sa ganung klase ng gobyerno, kaya naman may Bangon Pilipinas para sa gobyernong walang kurapsyon at dayaan, yung bang pag hiningi mo yung rekord of assets and liabilities ng mga opisyal ay makukuha mo agad kasi walang itinatago...transparency ika nga..honest to goodness Philippine government. Pero...This vision could be another height of stupidity for some people who already gave up hope for a righteous government serving God & country. Many have already flee to another countries, who can blame them, talamak na ang problema dito because of the overwhelming corruption in our country....pero, May Pag-asa pa...babangon tayo...just letting you know...

AND AGAIN...JUST LETTING YOU KNOW...
This Guy has the character, the qualities and the qualifications of a good and honest leader that our nation badly needs today, Let's not put another bad official in the palace by not voting, and/or not voting well....wag na po tayong paloko, i-check po natin ang mga kandidato, kahit si Brother Eddie check nyo pa rin....pag nanloko yan...mananagot din sya sa DIYOS at BAYAN....


My wandering mind goes for Bro. Eddie and the cause,...just letting you know.....


Verse-Meal
Dear children, do not let anyone lead you astray. He who does what is right is righteous, just as he is righteous. 1Jonh3:7 NIV