Wandering Mind...

Random thoughts, experiences, observations, views, desires, ideas, humor, inspirations, emotions, insights...ahhh whatever! With a touch...of the WORD!!

Tuesday, January 17, 2006

Tagged in 2006

Wendy tagged me up, last week, I guess or last last week. (time flies..)
.
Rules:
The tagged victim has to come up with 8 different points of their perfect lover/partner.
Need to mention the sex of the target.
Tag 8 victims to join this game and leave a comment on their Comments saying they've been tagged.
If tagged the 2nd time, there’s no need to post again.
.
Target:
Daughter of Eve
.
8 IBA'T IBANG PUNTOS
.
Pisikal
Mestisa, ewan ko pero madalas akong mapalingon sa mga mestisa, parang ang linis-linis tingnan.
Taas ay mga 5'6" para masaya...
Smiling face, yung bang nakangiti pa rin kahit sandamakmak ang problema.
.
Emosyonal
Sweet and romantic... para lalong masaya, nakakatangal kasi ng pagod ang sweetness. Ingat lang sa diabetis. LOL!
Courageous and understanding, yun bang pag naubos ang tapang ko eh may spare pa para salubungin ang mga hamon ng buhay...lalim yata nito ah!
Masayahin syempre para lalo pa ulit sumaya. (baka mental abutin namin nito ah!)

Sikolohikal
Normal... Know how to deal sa mga nangyayari sa paligid. (Pareho na lang kay Wendy yung nag tagged sa 'kin)
.
Ispirtiwal
God-fearing person... of course. Pareho kami ng paniniwala.(Likewise ulit kay Wendy!) Walang originality noh?
Yung mas mamahalin ang Diyos through a deeper relationship kesa sa akin!
.
Mental
Normal din siyempre. Kung usapang pangkatalinuhan, gusto ko pareho lang kami para may kontes kung sino maghuhugas ng pinggan. hehehe
.
Pinansiyal
Knows how to properly managed her finances. wag naman barat!
.
Sosyal
Knows how to effectively communicate and get along with various people.
.
Iba pa
Pasensyosa, kasi makulit ako at makulit tyak ang mga baby namin...(totoo naman!)
Smart and hardworking para madali kaming yumaman...hehehe
Has a possitive insight in most of the situation. optimist ika nga.
Faithful as I am.....*wink*

Tag:
Si Bluegreen lang para makapag post busy kasi eh....


oOo
.

Sunday, January 08, 2006

My Second First (i.e. My First...2nd edition)

'Just thought of continuing my very first post entitled "My First..." due to the existence of those first in my life that was not mentioned there when I made it. Here goes.....

My First Uttered Words...
According to my beloved Mom, yung unang salitang binigkas ko eh "DADA". Tapos kasunod siguro nun DEDE, tapos di muna nasundan ng bago kasi everytime na sasabihin ko yung DEDE, pinapasakan agad ako ng gatas sa bibig ni nanay, kaya siguro tumagal bago nasundan ng DIDI, Nung binigkas ko na yung "DIDI" yung tatay ko naman ang nag-aabot sa kin ng gatas siguro kasi bisaya s'ya eh....kaya natagalan na naman bago makarating sa DODO. Teka baka humaba pa, dito na lang muna. LOL!

My First Train Ride...
All of the kids in our neighborhood that day were very excited to the newly inagurated train station, and I am too!, especially when I heard of the free ride that they're giving. So much excited that I naughtily slipped out from our home to have that free ride on train. Sumama ako sa maraming batang gala na sumakay hanggang sa Tutuban. Pagdating doon, takbuhan sila kung saan-saan. I was left alone and lost in the station. Inabot ako ng tanghalian at gusto ko nang pulutin yung mga pagkain tira na naiwan sa mga bangko nung mga pasahero dahil sa gutom. Medyo natatakot na rin ako dahil di ko alam ang pauwi. Meanwhile...nagkakagulo na rin ang mga relatives ko sa paghahanap sa akin, umiiyak na mother ko. Buti na lang may nakapagsabi na sumakay daw ako sa tren. My father went to the direction of Hulo to try and find me, and my mom went to the opposite direction....Tutuban. Fortunately, I was found by my Mom when she arrived there. Seeing me under the table trying to pick up some biscuits to augment hunger, made her cry aloud but smiling at the same time. Di ko talaga maintindihan mga nanay oh! Imbes na pakainin ako eh umiyak pa.....hehehe

My First Job...
Magtatapos ako ng elementarya nun, nung magsimula si nanay magtinda sa palengke. And as the eldest among her siblings I was tasked to go there after my class to aid in selling vegies. Daming kumpetensya pala, dikit-dikit pero not once but many times angat kami sa bentahan, husay kasing pumili ng panindang maganda si inay sa Divisoria kaya dinudumog, Eh pag yung mga katabi namin eh medyo luma na ang tinda at maraming madyik na nilalagay para maging sariwa (kuno). Isinisigaw ko naman yung paninda ko......ALE! MAMA! SITAW, TALONG AT KALABASA, MADE IN JAPAN!! Ayun, eh di naubos agad, nakatawa pa yung bumili....

My First Sex
Oopps, meron na nga pala nito dun sa unang edition...tignan n'yo na lang! hehehe

My First Love
Ito yung nakaligtaan ko na hinahanap ni blogfriend Jinkee noon...,
Her nickname is Bong (di po s'ya lalaki ha), quite a masculine nick for a Ms. Senior high school beauty. Di ko s'ya maligawan nung high school kasi may gusto rin yung barkada ko sa kanya na nauna syang makilala at pinakilala pa ako, so to avoid conflict, I just kept my admiration to myself until I went to college. Pero di naka-first base yung barkada ko dahil mabagal yata eh, o di s'ya type. In a million of a chance. she also happened to enroll to where I enrolled. Gulat talaga ako sa pagkakataon....so nagkaligawan na at nabola, ehem!, napasagot ko pala s'ya second year yata ako nun. I was her first boyfriend. We went steady for awhile and our relationship was getting deeper everyday although we don't do dates yet bata pa raw kami, aral muna. Very conservative and awkward s'ya from what she heard and known about me when it comes to girls during my high school days, ewan ko ba kung bakit naikwento ko lahat sa kanya yun. Masyado akong naging honest siguro, kasi parang tinamaan talaga ako. But then, relationship ended suddenly!, for some reason that was not really clear to me. Basta wag ko na raw syang sunduin sa room nya at ihatid pauwi. Gusto raw nya na mapag-isa muna without the presence of a boyfriend. Man!! It struck me quite painfully. Pero di ko pinahalata ang sakit, inis at pagkalitong feelings ko na halo-halo sa mga unreasonable reasons nya. I just kissed and bid her goodbye. After few months and thru a common friend, gusto daw nya ako makausap and be together again. I didn't give time on it kasi feeling ko nilalaro ako nito ah. after a year nagkaboyfriend din sya at nagkabreak ulit and she again hinted to talk with me thru a friend, inaantay daw n'ya ako but I did not went through with it, siguro masyadong nasaktan pride ko and I feel insulted at ayaw ko ng maulit. Until I was able to forget her, I mean..,the feelings. Di ko na s'ya nakita after graduation. Kumusta na kaya s'ya? I wonder...(sabi nga ni Ka Uro)...(haba at korni noh?)

My First Wife...
'Nickname is Chi-Chie. I love her so much that's why she's my first and only wife at wala ng second.....promise! Pustahan pa tayo eh!

My Firstborn
After a month of marriage, sinorpresa ako ng wife and only ko, on the way daw s'ya and our doctor confirms it. Tatay na ako!! But during the first few months panay ang sakit ng tiyan ni Chie, kaya pabalik-balik kami sa doctor. I was shocked to hear that the findings was an ectopic pregnancy daw, where the baby is outside of her womb and will not survive accordingly. Maagasan daw s'ya. We went to another doctor for a second opinion but just the same. Sobrang lungkot namin and we refuse to believe it! Text ako sa mga kasama ko sa Church asking for a prayer on the situation. We really did not give up. We prayed earmestly for God to spare our firstborn. And then, we wait...After a week, the pain in her stomach gradually disappear, we were continue praying na wag s'yang maagasan. We finally went back to doctor after a couple of weeks for a check-up. The doctor displayed a face that wonders after series of examination done to my wife. And she came out with this words....."Your baby seems to know how to crawl back into her mothers womb" Gumapang yata ang baby mo!! It's a miracle!!! Muntik na akong maupos at mapasigaw. I praised God for that! My God is God of miracles! He never fails only if we believe!!
Now, my firstborn is already in grade five, she's got her mom's charm and beauty, also a consistent topnotcher in her level school wide. Glory to God!!!

Marami pang exciting, embarassing and uplifting first experience ang naiisip ko pero sa third edition na lang yata at mahaba na eh. Kayo ano mga first n'yo?


Have a blessed day!!!

Verse-Meal
Romans 8:28
And we know that in all things God works for the good of those who love Him, who have been called according to his purpose.

Tuesday, January 03, 2006

Happy New Year!!

Tuwing mga unang araw ng linggo sa bagong taon laging pumapasok sa isip ko yung mga pinagsusulat kong new years resolutions nung high school ko, nawala na nga yun dahil sa wakas nakagradweyt din ako, (hehehehe) at di rin naman ako talagang gumagawa nun kundi rin lang part ng informal theme writing namin, kasi sa ganang akin ang mga resolutions o possitive changes ay "continous activity in a daily life". Mabilis na kasing magbago ang mga situasyon dala ng teknolohiya o padami na padami ng klase ng tao. Kaya siguro ang mga pansariling resolutions ko eh based on the fast changing lifestyle, di masyadong time bounded, more on flexibility, syempre base on the infallible principles, God's word that is.

But in any situation, resolutions are definite necessity to discover the area to be improved whether individually or in a team. It really does tell or remind us where we are, what do we want and where we want to go...and when it'll gonna be...

In doing so, we can avoid comparing ourself to others, rather compare ourself to ourself of the past, para maiwasan ang inggit sa iba at makita natin ang mga pagkukulang natin sa ating sarili na kaya nating baguhin para makapagbigay pa tayo ng mas maraming mabubuting bagay sa buhay.

0 sige magsasalamin pa ako at ng makita ko ang mga pagkukulang ko ....

Happy New Year Everyone!!!

Verse-Meal
Psalm 40:3
He put a new song in my mouth and a hymn of praise to our God. Many will see and fear and put their trust in the Lord.